About Baybayin Buhayin

Ang bansang Hapon ay mayroong sariling panulat, ang Kanji, Katakana at Hiragana. Ang bansang China, ang Han character. Sa Korea, Hangul. Sa Thailand, Sukothai Script. Ang Pilipinas ay mayroong ding sariling salitang panulat bago pa man dumating ang mga banyagang mananakop na sa pagkakaalam ng karamihan at ang naituturo sa ating paaralan, ito ay tinatawag na Alibata. Ang Pilipinas bilang isang bansa sa Asya ay mayroon salitang panulat, ang Baybayin. Subalit ito ngayon ay nabibilang na sa isa sa “endangered alphabet” at nanganganib na maging extinct.

Sa isang panayam kay Tim Brook, isang eksperto patungkol sa “Endangered Alphabet Projects”, ito ang kanyang sinabi (translated into Filipino): “Ang pag-aaral at pagsusuring ito na ginanap sa Pilipinas ay naglalahad na matibay ang ebidensya na ang panulat na ito ay masasabing naglaho na dahil sa hindi na ito ginagamit.”

Ang Baybayin ay ginamit na panulat ng mga katutubo bago pa man dumating sa Pilipinas ang mga Kastila. Normal lamang na ipatupad ng mga mananakop ang pag-aaral, pagsasalita at pagsulat ng dala nilang alpabeto kung kaya’t ito ang naging dahilan kung bakit unti-unting nawala ang paggamit ng Baybayin. Sa mga sumunod na mahigit sa dalawandaang taon pa ay naglaho na ang Baybayin. Pumalit dito ang Alpabetong Latino. Sa ngayon, sa aming ginawang pagsasaliksik at dokumentaryo, maging ang ating mga kapwa Pilipino ay kilala ang sulat ng banyaga, ang sulat ng Hapon,  China, Korea subalit hindi makilala ang ating panulat ang Baybayin. Kung ang mga imbensyon ng bansang China, Korea at  Japan at maging mga produkto nila ay atin pang masusing sinasaliksik dahil ang mga ito nakasaad sa kanilang national script at kanilang matalinong naiingatan ang kanilang Intellectual Property dahil sila-sila lamang ang nakakaunawa nito.

Subalit sa ating mga paaralan ngayon, ay ang itinuturo na tawag na dito ay Alibata, subalit kung ating masusing sasaliksikin ang Salitang Panulat ng katutubong Pilipino ay tinatawag na Baybayin. Ang Baybayin ay hango sa ating giant shells, ang Taklobo, kung saan ang ating mga ninuno ay nagtatag ng sariling panulat at mayroon ding sariling pamilangan o numbers. Ang sinaunang Filipino ay advanced sa kanilang kaalaman at kakayahan sa ating sariling salitang panulat at ginagamit ito sa pangkomersyo at kalakalan sa Malaysia, Indonesia at maging sa Gitnang Silangan. Ang  Baybayin ang kadahilanan kung bakit tayo tinawag na “Perlas ng Silanganan.”
Gaya nga nang sinabi ni DR. JOSE RIZAL, Sa Aking Mga Kabata, 1869

Ang salita nati’y tulad din sa iba na may alfabeto at sariling letra,
na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa. Ang lunday sa lawa noong dakong una.”

Baybayin is part of our cultural heritage and treasures which will serve as our national identity and tool for unification as a people. Also, it will help inculcate patriotism among our citizenry especially among our youth.
Ang Advocacy ng Baybayin Buhayin ay gawing abot sa  lahat ng Pilipino at makilala, pahalagahan,  isabuhay, at gamitin ang ating panulat. Kung kaya, sa ating website, baybayinbuhayin.com ay maaaring mai-download ng libre ang  script na ito at maaring magamit ang fonts sa sariling computer. Ang aming samahan , Teachers @ Work International Inc., Taklobo Baybayin  at Baybayin Buhayin  na binubuo  ng mga guro ay nagsasaganap ng masusing  pag-aaral, mga seminars at trainings ukol sa pagpapalaganap nito at sa pakikipagtulungan sa Department of Education, ang Filipino Teachers ay may kanya-kanyang pagtanggap ay iba ay namamangha at marubdob na tinatanggap subalit ay iba naman ay nanghihinayang na bakit ngayon lamang nila ito nalaman.
Matagal nang panahon, ang ating sariling panulat ay nalihim, naitago gaya ng pinlano ng ating mananakop, ang yaman at pamana na ito ng ating salinlahi – hahayaan ba natin ito mapunta na lamang sa listahan ng endangered alphabet at tuluyan nang maging extinct? O bibigyang daan natin maituro sa ating susunod na henerasyon ang tamang tawag at pamamaraan ng panulat na sariling atin? Ito ay isang pangarapin na darating ang isang umaga na ang ating bayan ay gagamit at bibigyang halaga ang ating sariling ating wika at salitang panulat, Ang Baybayin. Isang pangarap, Isang umaga, ang Pilipino ay gagamit ng baybayin, sa komersyo at kalakalan, sa paaralan at bahagi na ito ng pang-araw araw na gawain ng mga Pilipino. Kung hindi tayong mga Pilipino ang magmamahal, papahalagahan at gagamit ng ating sariling salitang panulat, Sino? Kung hindi ngayon, Kailan?
“Ang isang bayang nag-iingat ng kanyang wika, taglay niya ang kalayaan.”
“While a people preserves its language; it preserves the marks of liberty.”
     EL FILIBUSTERISMO, 1887

Atin nang Isigaw, Isabuhay, at gamitin - ang sariling atin, Baybayin Buhayin!